New SHS 2nd Semester Class Schedule for SY 2025-2026 (Starting January 5, 2026)
Ipinatupad ang Homeroom Guidance (HRG) sa napapanahong krisis na naaayon sa DepEd Memorandum on the Policy Guidelines sa bawat paaralan para magsilbing bagong alternatibong pamamaraan ng pagkatuto sa gitna ng pandemya at inaasahang maging gabay sa mga mag-aaral upang malinang ang aspetong kailangan tugunan.
Isang school-based orientation ang isinagawa ng Rapu-Rapu National High School ukol sa ‘Implementation of Homeroom Guidance in Crisis Situation’ sa taong 2020-2021, kailan lang sa nakalipas na ika-11 ng Disyembre, 2020.
Bago at sa kasalukuyan ng pagtitipong yaon, dumaan muna sa pagsunod ng mga ‘health and safety protocols' gaya ng pag suot ng face masks at face shields, at pagpanatili ng social distancing sa gabay ng faculty at mga personnel ng paaralan.
Pinangunahan ito ng OIC Principal na si Gng. Jimerita O. Marmol at inilahad naman ang kabuuan at mga kaukulang dapat ipahayag sa orientation proper ni Gng. Marissa Balonzo bilang siya ang Guidance Counselor. Mga magulang/guardians ang mga inaasahang dadalo sa nasabing pagtitipon na siyang gagabay sa mga mag-aaral sa lahat ng pagkakataon. Kalahok din ang mga taga-payo ng bawat grado simula 7-12 at iba pang gurong mga naroon na nag bunga ng tagumpay na maabot ang mga layuning naka atas ng isinagawang pag titipon dahil sa partisipasyon at kooperasyon ng bawat isa.