New SHS 2nd Semester Class Schedule for SY 2025-2026 (Starting January 5, 2026)
Posted: February 20, 2025
By: Jean B. Bas
Editor: Carlo B. Echemane
Sinuportahan ng mga kawani ng Rapu-Rapu National High School at magulang ng mga mag-aaral mula sa grade 12 Topaz at Garnet ang work immersion orientation na isinagawa noong ika-3 ng Pebrero, 2025.
Sinimulan ang programa ng isang panalangin na pinangunahan ni Bb. Grace N. Benda at nagbigay ng pambungad na mensahe si punongguro, Gng. Jimerita O. Marmol.
Binigyang-diin ni Gng. Marmol ang kahalagahan ng work immersion sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa kanilang hinaharap na karera. Dagdag pa niya, kahit nasa work immersion site, kailangan pa ring isumite ang awputs na pinapagawa ng kanilang guro.
Tinalakay at ipinaliwanag ni G. Jaypee M. Ignacio, SHS Coordinator, ang mga dapat tandaan ng mga mag-aaral sa kumpanyang kanilang papasukan. Matapos ang pulong, nilagdaan ng mga magulang ang ibinigay na consent form sa gabay nina G. Jaypee M. Ignacio at Bb. Marife M. Dayro.
Samantala, ipinahahanda ang mga mag-aaral sa kanilang work immersion program na nakatakdang magsimula sa ika-17 ng Pebrero, 2025.
Nakahanda na rin ang mga kumpanyang ka-partner sa work immersion program ng mga mag-aaral mula sa RRNHS: Aksyon Co, Southern Technological College Foundation Inc., Mama Deling’s, at Ysabelle’s.